SONA 2013-Isang simple at matahimik na programa ginawang pagpapakita ng karahasan |
Minsan,masaklap isipin na yung mga taong dapat magproprotekta sayo ay yung mga taong mismo na mananakit sayo.Yung mga tao na nangako na ipagtatanggol ka kesyo "SERVE and PROTECT" ang motto nila.Sa mundo ng mga dapat,sila yung mga nagproprotekta sa mga inaapi at inaalipusta at ang mga taong tumutulong sa paglaban sa baliktad at maling sistema.
kaso HINDI EH.
Sila nga mismo yung nagsisimula ng pananakit at karahasan(see picture above) sa mga parayer vigil at mga rally na ang tanging hangad ay magpahayag ng mga panawagan na DAPAT tinutugunan ng gobyerno tulad ng mas maraming trabaho,sahod na sasapat sa "cost of living allowance",matino at disenteng pabahay,tunay na reporma sa lupa at isang sistema ng edukasyon na hindi elitista ngunit maka-masa,siyentipiko at nasyonalista.
Pinapalabas nila na sila ang nagsisilbing mga "peacemaker" when in fact,sa kanila nagsisimula ang pandarahas.Oh kay saklap diba? What was supposed to be the battalion that would protect the people became a weapon of the ruling classes to oppress and repress the masses.Nakakalungkot lang :(
Habang isinusulat(or better yet,itinatype) ko ito ay iniinda ko ang sakit at hinagpis ng panga ko na hinampas ng batuta at sinuntok ng.....hulaan mo,mahal kong mambabasa.Sa totoo lamang,hindi ito ang unang pagkakataon na naranasan ko at ng mga kasama ang ganitong karahasan.Natulak,sinapak,hinampas,tinadyakan na kami nila.Minsan pa nga ay saktong hinahampas kami ng riot shield tuwing may rally sa Mendiola.Yun ba ang mga dapat na mangangalaga sa masa? Sabihin nyo sakin,YUN BA??????????
Nagpapahayag kami ng aming opinyon at panawagan,iginanti nyo at dahas at pananakit.Akala ko ba "SERVE AND PROTECT" ang motto nyo? HANYARE??
Serve and Protect nga.SERVE AND PROTECT THE PEOPLE IN POWER.
Nagpapahayag kami ng aming opinyon at panawagan,iginanti nyo at dahas at pananakit.Akala ko ba "SERVE AND PROTECT" ang motto nyo? HANYARE??
Serve and Protect nga.SERVE AND PROTECT THE PEOPLE IN POWER.
p.s. naka-itim na alam mo na yun ang nambatuta at nanghampas ng batuta sa may hita ko.Ouch lang.
No comments:
Post a Comment