left:babae noon;right:babae ngayon ALIN KA SA KANILA? |
Hayan,pangalawang blog post ko hehe.
Minsan,may nagtanong sakin "Rizz,anong klase ka ba ng Pinay? Ikaw ba yung mahinhin o yung moderno?".Hagalpak ng tawa nalang ang naisagot ko sa kanya.Pero kinagabihan,naitanong ko ulit iyon sa sarili ko, Ano nga ba akong klase ng babae?
History-wise,laging ONE NOTCH LOWER ang mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan.Kumbaga,sunod-sunuran lamang sila noon sa kahit anong kagustuhan ng mga kalalakihan.Kung bet kang ipakasal ng tatay mo sa isang triple-M (Matanda,Mayaman,Madaling Mamatay),edi go! Wa kang say dahil baka batukan ka pa ng nanay mo.Edi no choice ka kung hindi sumunod.Ang saklap diba? Tapos ipapamemorize sayo ang buong bibliya at lahat ng mga pangalan ng mga santo at lahat rin ng mga interecessory prayers para sa kanila.Not to mention na tambay ka sa simbahan dahil panay ang sama mo sa mga nobena,salubong at lalo na sa misa de gallo.Di pa nagtatapos yan.Tengga ka rin sa bahay kasi di ganun ka-tanggap ang pag-aaral ng mga babae sa labas ng bahay at puros gawaing bahay ang isasalpak sa isip mo .Di ko naman ipinaparating na ayoko sa mga ganyang gawain(kahit ayoko talaga,sensya.),pinapakita ko lang na peste,patriyarkal talaga ang lipunan(RZSN or Ri Zi Side Note:Pag sinabi mong patriyarkal,lalake ang may last say sa mga bagay bagay.yun lang ^_^).Sakit sa ulo diba??
.
Bago ko ipagpatuloy,isipin muna natin ang pagkakaiba ng modernong babae sa mga Maria Clara at mga pinalaki ng mga madre/old-school parents.Noon,napakahinhin ng mga dalaga.Yung tipong mahihiya ka kasi ang hinhin nila at di makapabasag-pinggan.Sila yung mga babae na "Opo,Sige po at ako nalang" ang kadalasan mong maririnig mula sa mga bibig nila na madalas nakatago sa likod ng mga delicate na pamaypay.Bihira lang sa kanila ang salitang "hindi".Bilang lang sa kanila ang mga marunong mag-assert ng mga karapatan nila(RZSN:tulad ng mga astig na kadalagahan ng Malolos,ang kewl nila,promise.Kung pwede,panoorin nyo,ang kewl) at humindi.Sila yung tipo ng mga tao na hindi mo aakalain na nag-exist pala.Parang fairytale lang ang peg.o di kaya ethereal.Ah basta,di sila pangkaraniwan.period.
Tumungo naman tayo sa modernong babae.For sure,kasama ka dyan(kung babae ka :3).Sapagkakaalako,sila yung mga babae na independente,malakas ang loob.Alam nila ang gusto nila at willing sila na ipaglaban ang ang karapatan nila kapag nasisikil na sila.Astig diba? Ayon rin sa pagkakaalam ko,di sila ilang kung alama nila na nasa tama sila.
Isang tanong tuloy ang bumabagabag sa isip ko:HANYARRREEEEE at naging ganyan sila??
Isa lamang ang naiisip kong dahilan.Siguro'y nasasakal na nila at natuto na sila.ng lumaban.Ayaw na nilang masaktan.Ikaw ba,kung nasisikil at nasasaktan tapos alam mo ang dahilan at alam mo ang paraan para maiwaksi ito,hindi ba't gagawin mo ang paraang iyon para matigil ang paninikil sayo(maliban nalang kung masokista ka)?
At dahil mahal kita,mabait na mambabasa,may iiwan ako sayo na tanong:
ANONG KLASE NG BABAE KA:IKAW BA AY ISANG MAHINHIN NA MARIA CLARA O ISANG PALABAN NA GABRIELA?
ANONG KLASE NG BABAE KA:IKAW BA AY ISANG MAHINHIN NA MARIA CLARA O ISANG PALABAN NA GABRIELA?
take your pick :) comments and suggestions are greatly appreciated-Rizz Jitei
No comments:
Post a Comment