Saturday, March 29, 2014

Sana Pinatay Mo Nalang Ako..Tough Love.Huhu

Oh kay sakit naman ng pag-ibig mo
Bakit niloko mo,sana pinatay mo nalang ako"
-kanta yan.narinig ko sa Jeep(sensya sa misheard lyrics)


Ang kyut ng kantang yan.Pasok na pasok sa banga yung liriko pati rin tono.Sabi ni Kuya,ang kantang iyan daw ay tungkol sa isang lalaki na pinagpalit ng kasintahan nya para sa isa pang lalaki.HahaHARD diba?? HahaHAGGARD rin.Ghad.Saklap sa damdamin nyan,huhubels.

Ano kayang magiging reaksyon mo kung sabihin ko na nagre-"reflect" yan sa lipunan ng Pilipinas at sa mga "ruling classes"? Kaloka diba?  pero trulala yan.

Sa mundo ng mga dapat,pinapahalagahan tayo( mga mamamayan) ng mga may kapangyarihan.Yung tipo na wala silang pagkukulang,yung pangangailangan natin ang dapat isinasalang-alang nila.Tinatanong nila ang problema natin.Kinokonsulta nila tayo sa mga kalagayan natin.Hindi sila makasarili.

Kaso anong ginagawa nila???

Inaalipin tayo.Pinapatay ang mga kritiko.Sinusunod ng utos ng dayuhang agila.Nagpapakasasa sa limpak limpak na pera.Pinapatahimik ang naghahangad ng tunay na kalayaan.

Ang haggard naman nyan.Hard na hard rin.

Sakto nga yung mga kanta sa nangyayari.

"Oh kay sakit naman ng torture mo,sana pinatay mo nalang ako"

No comments:

Post a Comment