Saturday, March 29, 2014

Sana Pinatay Mo Nalang Ako..Tough Love.Huhu

Oh kay sakit naman ng pag-ibig mo
Bakit niloko mo,sana pinatay mo nalang ako"
-kanta yan.narinig ko sa Jeep(sensya sa misheard lyrics)


Ang kyut ng kantang yan.Pasok na pasok sa banga yung liriko pati rin tono.Sabi ni Kuya,ang kantang iyan daw ay tungkol sa isang lalaki na pinagpalit ng kasintahan nya para sa isa pang lalaki.HahaHARD diba?? HahaHAGGARD rin.Ghad.Saklap sa damdamin nyan,huhubels.

Ano kayang magiging reaksyon mo kung sabihin ko na nagre-"reflect" yan sa lipunan ng Pilipinas at sa mga "ruling classes"? Kaloka diba?  pero trulala yan.

Sa mundo ng mga dapat,pinapahalagahan tayo( mga mamamayan) ng mga may kapangyarihan.Yung tipo na wala silang pagkukulang,yung pangangailangan natin ang dapat isinasalang-alang nila.Tinatanong nila ang problema natin.Kinokonsulta nila tayo sa mga kalagayan natin.Hindi sila makasarili.

Kaso anong ginagawa nila???

Inaalipin tayo.Pinapatay ang mga kritiko.Sinusunod ng utos ng dayuhang agila.Nagpapakasasa sa limpak limpak na pera.Pinapatahimik ang naghahangad ng tunay na kalayaan.

Ang haggard naman nyan.Hard na hard rin.

Sakto nga yung mga kanta sa nangyayari.

"Oh kay sakit naman ng torture mo,sana pinatay mo nalang ako"

Friday, March 28, 2014

MAHIRAP MAG-ARAL.period.

                                  
Larawan ng  pampublikong eskwelahan sa Pilipinas


Sa Pilipinas,mataas ang pagpapahalaga sa edukasyon.Naaalala ko tuloy nung nagkaroon ako ng bagsak sa Math nung first year ako at nasermonan ako ng inay kong mahal. "Anak,diploma(degree na ngayon kasi  nasakolehiyo na ako) ang isang bagay na ipapamana ko sayo na hindi mananakaw ng iba kaya sana ay pahalagahan mo".Simula nung araw na yun,eh nagtino na ako(RZSN:di naman maiiwasan ang  pagkakaroon ng bagsak na marka sa Math lalo na at kahinaan  mo yun,hihi.)

Balik tayo sa pinag uusapan.Sa mga nakaraang buwan,andaming TOFI(tuition and other fees increase) na nagaganap sa mga ilang na unibersidad tulad ng mga to:
  • University of Sto.Tomas(UST)- 7-8%
  • De La Salle University(DLSU)-5%
  • San Beda College(SBC)-15%
  • University of the East(UE)-3.5%
GHAD.Anlaki ng itinaas (O.O) Maski ako nawindang eh.Ang mahal na talaga ng ead of being enjoyed by all.dukasyon ngayon.Talaga kina-"capitalize" ang matinding pagpapahalaga ng mga NoyPi sa edukasyon.Instead of being a right,it is now a privilege which is enjoyed  only by the rich citizens of the nation instead of being enjoyed by all.Paker,ang unfair naman. Sa pagkakaalam ko, nakalagay sa konstitusyon natin na trabaho ng estado(actually,trabaho ng gobyerno) na bigyan ang mga mamamayan nito ng "quality education"  pero parang hindi naman :3 Kaloka.

Sa kolehiyo palang yun.Mas matindi ang kalagayan sa mga pampublikong paaraalan.Tingnan mo ang mga larawan sa itaas.Ganyan,ganyan ang mga itsura ng ating mga paaralan na sinabing "FUNDED" ng gobyerno.Magtataka pa ba kayo kung bakit napakababa ng literacy rate natin?

Napapansin ko lang naman yan.Matagal na actually pero laging sumasagi sa isipan ko, "Kung may mga napupuna nang di kanais-nais sa sistema ng edukasyon,bakit walang aksyon?"
Sabi nga ng idol ko na si Vencer Crisostomo(AnakBayan national chairperson) "Ultimately, the government should remember that education is a right, not a privilege of the rich.Sadly, it seems the Aquino gov’t does not adhere to the same principle."

MASAKLAP LANG.MAHIRAP AT MADUGO ANG MAG ARAL.


(RZSN:Kung bet nyo na basahin yung article na pinagkuhanan ko yung quote na yun,eto yung link : http://www.vencercrisostomo.com/tuition-moratorium-now-aquino-ched-should-stop-tuition-hikes-in-ph/)





SERVE AND PROTECT(DAW???)

SONA 2013-Isang simple at matahimik na programa
ginawang pagpapakita ng karahasan

Minsan,masaklap isipin na yung mga taong dapat  magproprotekta sayo ay yung mga taong mismo na mananakit sayo.Yung mga tao na nangako na ipagtatanggol ka kesyo "SERVE and PROTECT" ang motto nila.Sa mundo ng mga dapat,sila yung mga nagproprotekta sa mga inaapi at inaalipusta at ang mga taong tumutulong sa paglaban sa baliktad at maling sistema.

kaso HINDI EH.

Sila nga mismo yung nagsisimula ng pananakit at karahasan(see picture above) sa mga parayer vigil at mga rally na ang tanging hangad ay magpahayag ng mga panawagan na DAPAT  tinutugunan ng gobyerno tulad ng mas maraming trabaho,sahod na sasapat sa "cost of living allowance",matino at disenteng pabahay,tunay na reporma sa lupa at isang sistema ng edukasyon na hindi elitista ngunit maka-masa,siyentipiko at nasyonalista.

Pinapalabas nila na sila ang nagsisilbing mga "peacemaker" when in fact,sa kanila nagsisimula ang pandarahas.Oh kay saklap diba? What was supposed to be the battalion that would protect the people became a weapon of the ruling classes to oppress and repress the masses.Nakakalungkot lang :(

Habang isinusulat(or better yet,itinatype) ko ito ay iniinda ko ang sakit at hinagpis ng panga ko na hinampas ng batuta at sinuntok ng.....hulaan mo,mahal kong mambabasa.Sa totoo lamang,hindi ito ang unang pagkakataon na naranasan ko at ng mga kasama ang ganitong karahasan.Natulak,sinapak,hinampas,tinadyakan na kami nila.Minsan pa nga ay saktong hinahampas kami  ng riot shield tuwing may rally sa Mendiola.Yun ba ang mga dapat na mangangalaga sa masa? Sabihin nyo sakin,YUN BA??????????

Nagpapahayag kami ng aming opinyon at panawagan,iginanti nyo at dahas at pananakit.Akala ko ba "SERVE AND PROTECT" ang motto nyo? HANYARE??

Serve and Protect nga.SERVE AND PROTECT THE PEOPLE IN POWER.

p.s. naka-itim na alam mo na yun ang nambatuta at nanghampas ng batuta sa may hita ko.Ouch lang.

Sunday, March 23, 2014

Nag-iisa




Sa  loob ng isang kwarto ay matatagpuan
Isang babaeng naghihinagpis,siya ay luhaan
Mababakas mo na siya ay tuluyang nasasaktan
Ngunit sa iba ay hindi nya sinasabi o pinapaalam

Ngiting nagtatago sa tunay na istorya
Siglang di mo akalain na meron pa siya
Lihim na tumtangis,siya ay nagtatago
Ayaw magparamdam,tila ba natatakot

Sa kwartong iyon ay ipiniit nya ang sarili
Ayaw nyang magpakita,siya daw ay nakakapandiri
Binalot ng pasa sa katawan at pati sa mukha
Tila siya ay binaboy,ang walang labang dukha

Sa hirap ng buhay,kumapit siya sa patalim
Sinubukang umahon ngunit balo'y napakalalim
Wala siyang ibang mapili,kailangang sumunod
Wala siyang magawa kundi tuluyang tumango

Sa loob ng kwarto,siya'y nag iisa
Iniisip nya kung siya'y dadatnan ng umaga
Nawawala ang kanyang pag-asa pagsikat ng buwan
Hindi nya alam kung tanikala pa'y tuluyang maalpasan

Saturday, March 22, 2014

AMMA GIRL! Maria Clara Noon,Anyare Ngayon??

                
                                                            
left:babae noon;right:babae ngayon
 ALIN KA SA KANILA?
                      
Hayan,pangalawang blog post ko hehe.

Minsan,may nagtanong sakin "Rizz,anong klase ka ba ng Pinay? Ikaw ba yung mahinhin o yung moderno?".Hagalpak ng tawa nalang ang naisagot ko sa kanya.Pero kinagabihan,naitanong ko ulit iyon sa sarili ko, Ano nga ba akong klase ng babae?


History-wise,laging ONE NOTCH LOWER ang mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan.Kumbaga,sunod-sunuran lamang sila noon sa kahit anong kagustuhan ng mga kalalakihan.Kung bet kang ipakasal ng tatay mo sa isang triple-M (Matanda,Mayaman,Madaling Mamatay),edi go! Wa kang say dahil baka batukan ka pa ng nanay mo.Edi no choice  ka kung hindi sumunod.Ang saklap diba? Tapos ipapamemorize sayo ang buong bibliya at lahat ng mga pangalan ng mga santo at lahat rin ng mga interecessory prayers  para sa kanila.Not to mention na tambay ka sa simbahan dahil panay ang sama mo  sa mga nobena,salubong at lalo na sa misa de gallo.Di pa nagtatapos yan.Tengga ka rin sa bahay kasi di ganun ka-tanggap ang pag-aaral ng mga babae sa labas ng bahay at puros gawaing bahay ang isasalpak sa isip mo .Di ko naman ipinaparating na ayoko sa mga ganyang gawain(kahit ayoko talaga,sensya.),pinapakita ko lang na peste,patriyarkal talaga ang lipunan(RZSN or Ri Zi Side Note:Pag sinabi mong patriyarkal,lalake ang may last say sa mga bagay bagay.yun lang ^_^).Sakit sa ulo diba?? 

.
Bago ko ipagpatuloy,isipin muna natin ang pagkakaiba ng modernong babae sa mga Maria Clara at mga pinalaki ng mga madre/old-school parents.Noon,napakahinhin ng mga dalaga.Yung tipong mahihiya ka kasi ang hinhin nila at di makapabasag-pinggan.Sila yung mga babae na "Opo,Sige po at ako nalang" ang kadalasan mong maririnig mula sa mga bibig nila na madalas nakatago sa likod ng mga delicate na pamaypay.Bihira lang sa kanila ang salitang "hindi".Bilang lang sa kanila ang mga marunong mag-assert  ng mga karapatan nila(RZSN:tulad ng mga astig na kadalagahan ng Malolos,ang kewl nila,promise.Kung pwede,panoorin nyo,ang kewl) at humindi.Sila yung tipo ng mga tao na hindi mo aakalain na nag-exist pala.Parang fairytale lang ang peg.o di kaya ethereal.Ah basta,di sila pangkaraniwan.period.

Tumungo naman tayo sa modernong babae.For sure,kasama ka dyan(kung babae ka :3).Sapagkakaalako,sila yung mga babae na independente,malakas ang loob.Alam nila ang gusto nila at willing  sila na ipaglaban ang ang karapatan nila kapag nasisikil na sila.Astig diba? Ayon rin sa pagkakaalam ko,di sila ilang kung alama nila na nasa tama sila.

Isang tanong tuloy ang bumabagabag sa isip ko:HANYARRREEEEE at naging ganyan sila??

Isa lamang ang naiisip kong dahilan.Siguro'y nasasakal na nila at natuto na sila.ng lumaban.Ayaw na nilang masaktan.Ikaw ba,kung nasisikil at nasasaktan tapos alam mo ang dahilan at alam mo ang paraan para maiwaksi ito,hindi ba't gagawin mo ang paraang iyon para matigil ang paninikil sayo(maliban nalang kung masokista ka)? 

At dahil mahal kita,mabait na mambabasa,may iiwan ako sayo na tanong:
ANONG KLASE NG BABAE KA:IKAW BA AY ISANG MAHINHIN NA MARIA CLARA O ISANG PALABAN NA GABRIELA?

take your pick :) comments and suggestions are greatly appreciated-Rizz Jitei


Panimula :)

Hi.Ako nga pala si Rizz.Ang may ari ng blog na ito :) Mabait ako,don't worry :)


                         

Kamag-anak ko ang mga unggoy na yan.Chos :)

Konting impormasyon lang tungkol sa sarili ko:17 palang ako kaya wag nyo akong tawaging "ate".Kahit Rizz pwede na.And yeah,Sociology student ako sa PUP.Medyo paintelektwal pero kadalasang abnormal ang mga post ko.Hehe,sensya na.Ako to eh huhubels.


 Sa blog na ito,ihahatid ko ang mga bagay-bagay na napupunta sa isip ko.Kung ano-ano yun pramis.Eccentric nga pala ako kaya wag na kayong magtataka :))) Enjoy nalang kayo at magcomment or magpuna kung bet nyo,orayt?

Lablab,

Metallic Text Generator at TextSpace.net